Sunday, February 23, 2014

Can you do me a favor?

Kung kulang man ang ngayon, idagdag natin ang kahapon
Sa kwento ng pag-ibig na nais rin namang ibaon
Bakit 'di mo bigyan ng dahilan ang mga bituin
Upang ang gabi ay hindi nila angkinin

Kung may pagkakataon ang puso na itanggi
Aaminin ba ng tulad ng bahaghari ako rin ay sawi
Makulay ang mundo, nakakasilaw ang tingkad
Ang ika'y maging akin, ito ang tanging hangad

Hwag kang matakot sa malakas na buhos ng ulan
Ang pagtila ay bakit 'di mo ituring na katuparan
Sa mga pangakong noon ay aking binitawan
Ituturo  ko sa'yo ang daan palabas sa kawalan

Ako'y sa'yo kahit ikaw pa ay palayo sa'kin
Ang paglisan mo ay hahabulin ko ng tingin
Isang mahigpit na yakap, kahit isang halik man lang
Dahil 'pag wala ka, lahat na ay laging kulang

Minsan akala mo 'yun talaga 'yun kahit hindi naman. Ang kwento sa sinulat kong ito ay komplikado. Dapat talaga kwento 'to, pero dahil naliligaw ako sa sarili kong pagsusulat, ginawa ko na lang kanta. Or tula. Or both. Pwede nating sabihin na pamamaalam ko 'to sa Pebrero. O kaya post-valentine greeting. O kaya pagsalubong sa Marso at pag-alala sa mga nakalipas ng kwento. Pero seryoso, wala lang talaga 'to. Pero 'yun nga, maraming hindi nakakatulog sa gabi kakaisip sa maling akala. 

Can you do me a favor? Ano sa tingin mo ang magandang title ne'to. Bobo kasi ako sa title at maraming beses ko na ata nagamit na title ng blog post ang 'untitled' so ayoko muna sya gamitin dito. Salamat.