Thursday, June 20, 2013

of P. Coelho's quotes, Tadhana, and my tagalog posts..

When love takes over, it no longer matters what is possible or impossible; to love is to lose control. 

Dahil konti lang ang oras sa isang araw (halos kalahati pa ginagamit ko sa pagtulog at pagkokompyuter), madalas ay hindi sasapat ang lahat ng plano at gusto natin. Tapos kailangan pa natin bigyan ng leeway ang mga bagay na ipipilit ni Tadhana na mangyari sa atin sa ayaw natin at sa gusto. Dito papasok ang salitang priorities. May kanya-kanya tayong kahulugan sa salitang ito. Gayunpaman, pare-pareho lang naman talaga ang gusto natin. Gusto nating lahat maging masaya. Gusto natin magmahal at mahalin ng mahal natin. Gusto natin lumipad (teka, ako lang ba may gusto nun?).

Yes, we are going to suffer, we will have difficult times, and we will experience many disappointments--but all of this is transitory, it leaves no permanent mark. And one day, we will look back with pride and faith at the journey we have taken. 

Marami pang dadaang bagyo, maraming marami pa (lalo na at tag-ulan na naman). Pero natatapos naman sila lagi. Kailangan lang kumapit ng mahigpit at magtiwala sa langit na hindi naman talaga magtatagal ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi man tayo binibigyan ng saktong oras kung kailan titigil ang lahat ng mahirap at masakit, again, kapit lang. Tiwala ang kailangan. Andyan si Tadhana para alalayan tayo sa paghanap natin sa dapat nating kalagyan.

Miracles occur all around us, signs from God show us the way, angels plead to be heard, but we pay little attention to them because we have been taught that we must follow certain formulas and rules if we want to find God. We do not recognize that God is wherever we allow Him/ Her to enter. 

Sa mundong ito, madali sabihin na kaya natin ang lahat, na lilipas din ang problema, na lahat naman dumadaan sa mahirap na sitwasyon. Pero kapag tayo na ang nandun, ang hirap tumingin ng deretso sa salamin at sabihin ang ganitong mga parehong  payo. Madaming nagmamarunong at nagtatakda ng dapat mangyari, pero tulad ng lahat, ang salita nila ay walang laban sa Tadhana. Naniniwala ako na hawak natin ang sarili nating buhay. Kaya nga may freewill. Desisyon pa din natin ang nagsasabi sa mga susunod na yugto ng ating kwento. Pero ano ang nagbubuod sa lahat ng kwento ng mga iba-ibang tao sa napakalaking mundo? Isang mas makapangyarihan sating lahat. Hindi man tayo magkakakilalang lahat, sa isang tuldok sa graphing paper,  siguradong nagtutugma ang ating mga linya (sa mga Math people, please hwag n'yo ng pansinin ang metaphor ko).

^___________^

God bless the rest days! 

^___________^