Saturday, March 30, 2013

Summer Diaries: 30 hours away from city lights

Kahit fresh from last day of work, nothing could stop us from the much awaited holy week special Team Building of 2013. Well, first out of town kasi namin together so under talaga siya ng "much awaited" category. Team spirit ang peg. Pang front namin na we wanted to make the team bond stronger more than ever, gusto din naman namin yun. Pero truth is, we just wanted to have fun!

So here's some (there's like 1000+ of them) of the pictures, and the stories behind....

Stopover to buy ice cubes and merienda sa mga gutom. Yeah, I was bored dahil bumaba ng sasakyan ang mga pinagtitripan ko. Kasama ko sa picture si ate Boo, ang pinakabully na tao sa buong mundo natin at maybe sa buong mundo din niya. Yep, she's from another world. :)))
Stopover sa Tagaytay City. At dahil wala kaming mahanp na fastfood or resto na gusto namin kainan, nagpicture na lang kami sa mga prutas habang pinagdedecidan kung worth it ba ang 120php na  bagoong.
So here we are! Welcome to us! :) Nawala ang gutom, antok, at pagod from biyahe.
the night over. Sand bathing, star gazing and mallows and hotdogs...
dahil nakakatamad, si Daryl (guy at the back) ang sweet gumawa ng lahat ng paraan para makakain kami ni ate pat (girl  in white shirt) ng marshmallows at hotdog.
marshmallows and hotdogs....well, cute lang siya tingnan pero in principle talaga, nakain na namin yung mga mallows bago naluto yung hotdogs.
the fire that kept us warm all night. sa sand kami natulog...este sila pala. around 1am, hindi namin nakayanan ni ate pat ang lamig kaya lumipat kami sa van to sleep for the nest 3 hours..
Island hopping. When our guide said may dadaanan kaming malalaking bato, we did not expect na ganito kalaki ang sinasabi niya. Adventure mode kami kaya wala kaming hindi kayang lagpasan.
The cave on our way to the neighbor island.
According to our tour guide, low tide kasi kaya accessible ang kweba na ito.
early morning swim with my closest buddies..sila ang mga ate slash nanay ko...
ang sarap ng araw sa balat around 6 am. :)
The white sand island. This was during the last few hours that we spent in Batangas. Nakalipat na kami ng kabilang isla and we just wanted to experience the sun and the sand. We built sand castles (na hindi naman talaga nagmukang kastilyo), played around, made silly pictures and bonded together.




On our way home, hindi pa din kami pagod (tinawag namin itong fighting spirit at final wave of adrenaline rush). We watched Sisterakas at Sosy Problems (it's maybe corny for you pero nagenjoy kami!). Kinain namin ang mga natirang nagaraya at tortillos at texas wild chips. Stopover ulet sa Tagaytay to eat lunch sa Chicboy at Pancake House, then we went home. Pagod pero worth it all. 

^_______^