Saturday, May 5, 2018

"Kapag hindi buo, alam mo."

Dati madalas ko maramdaman na disposable ako, madali palitan at kalimutan 'pag expired na ang gamit o kaya hindi na kailangan. Pero kahit ganun, madaming beses ko pa din ginustong ipaglaban ang akala ko akin dapat. Matagal pa bago ko natutunan na hindi na kailangan nagmamakaawa sa taong nangiiwan sa'yo. Kasi bago ka pa nila iwan, napaghandaan na nila ang isasagot sa'yo kung hindi mo matanggap ang pag-alis nila. Useless ang luha at lahat ng handa mong isuko 'wag lang siya mawala. Sa maling tao nasayang ang mga pangako mo. Pati pala pagiging manhid may tamang panahon. Mahirap pag-aralan, pero pag natutunan mo 'yung timing, hindi ka na masyadong iiyak. 

Hindi rin ako proud nung nagkaron ako ng control sa emosyon ko. Pakiramdan ko namatay ang kalahati ng puso ko. Tama yung sinabe niya, baka nga hindi na ko marunong magmahal ng buo. Hindi ko na kaya magtiwala ng kumpleto at madali na sakin isipin ang worst-case scenarios. Pero kasi ang dali sakin ng lahat kapag kontrolado ko ang feelings ko. Madali sakin tanggapin kapag may ibang tao na mas mahalaga sakin. Kahit hindi ako ipaglaban when it matters the most, wala lang sakin. Ayos lang sakin na wala akong expectations sa mga tao, at least hindi ako aasa. Hindi ako umaasa kaya hindi ako nasasaktan. Minsan malungkot kapag nangyayari yung alam mong mangyayari naman tlaga, pero hanggang lungkot na lang 'yun. Pagkatapos ko magmukmok ng konti, okay na ko ulet. Kung iwan at palitan man ako, hindi masyadong masakit. Kung masakit man, kalahati lang ng ako ang mamamatay. Hindi sa hindi totoo pag nagmamahal ako... hirap lang siguro ako magmahal ng walang reservations. Siguro nga hindi pa rin totoong pagmamahal yun. Kasi sabe si libro, to love is to lose control? Siguro. 

Sana may stop, pause, play buttons ang pagmamahal. Pag alam kong okay, play lang. Kapag medyo malabo na, pwede itigil kahit kelan ko gusto. Pero hindi pwede. Kasi halo-halong feelings naman ang love. Hindi pwedeng laging masaya, hindi rin naman laging malungkot lang. Sugal ang lahat. Kung ready ka manalo, dapat handa ka din matalo. Maybe it all comes back to being not in control. Siguro nga to love is to lose control.

Sabe ng kaibigan ko, okay lang sana saktan yung puso nya, pero bakit hindi inisip ng ex nya yung pride nya? So ano ang nasaktan, puso o pride? Kung puso, normal 'yun masaktan kapag niloko at iniwan ka. Kung pareho, normal din naman. Pero kung pride lang ang nasaktan at hindi kasama ang puso, pagmamahal pa din ba 'yun? Hindi pa ko dumating sa ganung point, pero mas in control ka ba sa feelings mo kung pride na lang ang ipupusta mo? Asan ang love? For show na lang ba 'yun? For convenience? Pampalipas oras? For comfort? Gamitan? Or whatever shit you think you need it for?

Wala naman talagang point ang mga sinasabe ko. Kelangan ko lang ikwento para masort out ko sa utak ko. Pero parang magulo din naman. Parang puro excuses lang lahat. Ang totoo, takot ako mawalan ng control sa emosyon ko. Kasi pag nawalan ako ng control, back to scratch na ko panigurado. Pero ready ba ko? Oo. Gusto ko naman eh, hindi ko lang alam kung naaalala ko pa kung paano. 

Alam ko naman ang dapat kong gawin. Unti-unti kong bubuuin kung may pakiramdam na kulang. Pero ano ba ang hindi buo? Ano ba ang kulang at ano ang sobra? Kelangan ko ng panahon. Siguro kulang ako sa pagmamahal. O kaya sa assurance. O baka kulang lang ako as a person. Walang mali sa ibang tao, walang mali sa paligid ko. Baka ako ang may mali. Baka ako ang may kailangang bumuo sa sarili ko. Ayoko ng pakiramdam na may kailangan ako punuuin ng hindi ko alam kung ano yung kulang. Blind leading the blind, kumbaga. Shit noh, ang pathetic na ng last paragraph na to.

Kbye.

No comments:

Post a Comment