I learned to wave goodbye
How not to see my life
Through someone else's eyes
It's not an easy road
But now I'm not alone
So I, I won't be so hard on myself no more
Kung pakiramdam mo ang daming sayang sa buhay mo, isipin mo lagi na marami din namang sobra. Hindi man napalitan lahat ng nawala, may mga magandang dumating din na hindi mo inasahan. Baligtad mo lang kasi tingnan kaya akala mo pinagkakaitan ka. 'Wag mong sisihin parati ang tadhana dahil desisyon mo ang nagpapatakbo sa buhay mo. Kulang ka lang talaga sa positive thinking. O kaya, baka sobra sobra ka na sa bitterness. Tandaan, kapag nabibigatan ka na, bitawan mo ang iba. Kung hindi mo alam kung alin sa kanila ang bibitawan... hindi ko rin alam, sorry.
Don't be so hard on yourself, no
Learn to forgive, learn to let go
Everyone trips, everyone falls
So don't be so hard on yourself, no
'Cause I'm just tired of marching on my own
Kind of frail, I feel it in my bones
Oh let my heart, my heart turn into stone
So don't be so hard on yourself, no
Kapag hindi ko na alam ang gagawin, madalas kong sabihin sa sarili ko na, "Tama na. Choose your battles." Minsan kailangan din natin sumuko para manalo. Minsan sumusuko tayo dahil lang nakakapagod na. Kapag nakukulangan na tayo sa lakas, o kaya tapang at diskarte, ayos lang magtago muna, magre-group, mag-isip ng bagong strategy. Tapos pag may concrete plans na, or kahit sapat na lakas ng loob lang para subukan ulit, pwedeng muling sumugod at makipagbakbakan. Pero minsan din naman, hindi lahat kailangang planado. Kailangan mong magbakasakali, magtiwala sa pwede, para ang kung anuman na akala mo panaginip lang ay magkatotoo. Hindi ka laging ipapahamak ng puso mo, tiwala lang.
'Cause I'm just tired of marching on my own
Kind of frail, I feel it in my bones
Oh let my heart, my heart turn into stone
So don't be so hard on yourself, no
Habang nakikinig ako sa album ni Jess Glynne, naisip ko na ang thug life ng kantang Don't Be So Hard On Yourself (pero madami kasi syang thug life na kanta). 'Yun lang talaga. Gusto ko ng buong album ng thug life songs niya. Sana isang kanta lang lagi ang katumbas ng mga worries natin. Sana kayang tanggaling ng feel-good songs ang nararamdaman mong lungkot at pagaalinlangan sa araw-araw, tanggalin ng walang balikan ah. Sana pwedeng buong araw ka na lang nakikinig sa playlist na gusto mo, tapos nasa kama ka lang, tapos wala kang obligasyon na bumangon at magtrabaho.
No comments:
Post a Comment