Friday, January 26, 2018

Paano punan ang kawalan

Kung papipiliin ako sa tama at mali, pipiliin ko ang mahal kita. "Love is the only rational act". Hindi laging tama pero kung makatwiran, baka pwedeng ipaglaban. Madali lang naman imbentuhin ang katwiran. Baluktutin mo lang tapos pikut-ikutin sa hugis na gusto mo. Bubuo ako nga kapani-paniwalang kwento tungkol sa wagas na pag-ibig na meron tayo. Sandali lang ang buhay kaya sayang kung magpapanggap ako lagi. Lalakasan ko na ang loob ko at magiging biktima ulit ng pag-ibig. Sabe naman nila, you can never go wrong with love. Sana kasabihan na lang ang lahat. Sana ang lahat ay tungkol lang sa lakas ng loob.

Ay, hindi pala kita natanong kung ano ba tayo. Ayos sana yung tapang ko kung pareho tayo ng pangarap. Pero iba ang destinasyon mo kaya wala rin pala kahit magtapangtapangan ako. Nakalimutan ko na ako lang pala ang may pinaglalaban sating dalawa. Ngiti lang ang sagot mo nung tinanong ko ulit kung san tayo pupunta. Mapagpanggap ako kaya minsan iniisip ko na maganda ang ibig sabihin ng mga ngiting yun. Hindi naman misteryo kung ano tayo dati. Malamang ganun pa din tayo hanggang ngayon, hanggang bukas, at sa susunod pang bukas. Hanggang ganun lang.

Hindi sikreto kung nasan ang puso ko. Kaya sanang magsinungaling ng mga labi ko pero hinanap mo ang sagot sa mga mata ko kaya hindi ko na naitago ang totoo. Hindi kita kayang tingnan ng walang pagmamahal. Hindi ko na tinanong ang motibo kung bakit mo gusto malaman ang laman ng puso ko. Alam kong minsan gusto mo lang talaga malaman lahat. Hindi dahil gusto mo kong protektahan o alagaan. Hindi dahil mahalaga sa'yo ang sasabihin ko. Gusto mo lang talagang malaman. Dapat ba pumikit na lang ako at sinabi sa'yo na kaya ko na kahit wala ka? Itulak ka na lang palayo bilang aalis ka rin naman. Baka mas konti ang sakit kung lolokohin ko ang sarili ko na ipinagtabuyan kita at hindi mo ko iniwan. Pagod ka na rin naman magbigay ng sobra sa'kin kaya madali na sa'yo ang lumayo. Tama na ang naiambag mong masasayang ala-ala. Mabubuhay na ko ng matagal kasama sila.

Sana madali lang paikutin ang kapalaran, para pwede pa din tayong magkasama kahit ilang beses tayo maghiwalay. Ako lang ang magpapaikot sa kanya, hindi ako mapapagod gawin lahat kahit ako lang mag-isa.  Pero paano mo nga ba paglalaruan ang mapaglarong tadhana? Andyan na siya bago ka pa naging tao. Mauubusan ka lang ng lakas dahil hindi sya kailanman man magpapatalo. Alipin tayo ng mundo, hindi ito umiikot para sa gusto lang natin. Kahit gusto at kaya mo ng isuko ang lahat, babagsak ka lang sa lupa ng walang binabangga. Wala kang kalaban. Dahil wala kang susukuan ng gusto mong isuko. Itutumba ka na lang ng hangin habang pinagtatawanan niya ang pagiging mahina mo. Mapanukso ang mundo. Hindi natin alam kung kailan ang sususnod niyang biro. 

Sana madali lang punan ang kawalan. Sana maaring magsimula at matapos ang buhay sa mga munting pangarap lang. Sana minsan lang tayo umiyak at sumuko. Sana parating may tamis sa ating ngiti. Sana kaya nating abutin ang kahit anong bituin. Sana hindi natin kailanman masilayan ang katapusan. Sana ay kaya kong punuan ang iyong kawalan. Pero hindi pwedeng punuin ng hangin lang ang kawalan. Dahil ang kawalan ay ang hangin, ulap, bituin, araw, at lahat-lahat ng hindi ko kayang maging. Kahit bigyan mo ko ng permiso, hindi ako pwedeng maging sila lahat. 

Patawad, hindi ko kayang punuan ang kawalan. 

Burn it all. Yes, let's do that.



A good song to end the work week...

When the leader of the bad guys sang,
Something soft and soaked in pain,
I heard the echo from his secret hideaway,
He must've forgot to close his door,
As he cranked out those dismal chords,
And his four walls declared him insane.

I found my way,
Right time, wrong place,
As I pled my case.

You're the judge, oh no, set me free,
You're the judge, oh no, set me free,
I know my soul's freezing,
Hell's hot for good reason, so please, take me.


The Judge 
by Twenty One Pilots

No comments:

Post a Comment